Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na responsableng sa panghohold-up sa isang establisiemento sa Kabacan, patuloy na tinutugis ng Kapulisan

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2014) ---Patuloy ngayong pinaghahanap ng mga kapulisan ang suspek na responsable sa panghohold-up sa Pritong Manok establishment sa may bahagi ng USM avenue, Kabacan, Cotabato alas 7:30 ng gabi nitong Sabado.

Sa ulat na nakarating sa Kabacan PNP, isang di pa nakilalang suspek ang pumasok sa nasabing establisiemento ng mga oras na iyon at nagdeklara ng hold-up, ayon pa kay SP01 Kenneth Garbin ang case investigator ng Kabacan PNP.

Tinutukan pa umano ng suspek ng baril ang ilan sa mga empleyado ng nasabing kainan at agad na tinangay ang cash na nagkakahalaga ng P4,600.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay sa XRM motorcycle na nakahintay sa suspek lulan ng dalawa pang mga di nakilalang sakay nito.

Batay sa pagsasalarawan ang holdaper ay may taas na 5’6 at nakasuot ng puting damit at may mga nakasulat at maong ang long pants nito at armado ng kalibre .45 na pistol.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga kapulisan pero bigo po silang mahuli ng mga suspek. Rhoderick Beñez

  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento