Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 estudyante sa NorCot, nag-uwi ng medalya sa int'l competitions

(North Cotabato/ August 13, 2014) ---Nag-uwi ng karangalan para sa bansa ang dalawang estudyante sa North Cotabato na nakipagtagisan ng galing sa Singapore.

Nasungkit ni Sophia Helen Gador, Grade 4 pupil ng Midsayap Pilot Elementary School (MPES) ang tansong medalya sa katatapos na International Mathematics Competition (IMC) sa Singapore kamakailan.

Isa siya sa mahigit 1,000 math wizards mula sa iba't-ibang bansa na sumali sa nasabing patimpalak.
Samantala, dalawang pilak na medalya naman ang nakuha ni Jesse Uriel Anulao, elementary pupil ng Notre Dame of Kabacan, Inc. (NDKI) sa 200-meter medley relay at 200-meter relay sa 4th Singapore National Swimming Championships sa Singapore.

Bilang silver medalist, nakatakdang lumahok sa isa pang kompetisyon sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre ngayong taon si Jesse.

Nagpaabot naman ng pagbati si Governor Emmylou Mendoza sa dalawang mga estudyante at inihayag ang patuloy na suporta sa mga ito.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento