Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagtuturno ng mga tricycle at trisikad sa ilang lugar sa Poblacion ng Kabacan, illegal ---TMU

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2014) ---Iginiit ng pamunuan ng Traffic Management Unit ng Kabacan na illegal ang pag-tuturno ng ilang mga tricycle at trisikad sa bayan.

Ito ang sinabi ni TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na ireklamo ng ilang mga public commuters ang diumano’y mga turnuhan ng mga sikad at tricycle sa ilang mga Purok sa Poblacion, particular na rin dito ang sa Purok Miracle.

Kaugnay nito, binigyan naman minsan ng konsiderasyon ang mga ito basta’t hindi nakakaabala sa daloy ng trapiko.

Maliban sa pagtuturno, nirereklamo din ang diumano’y di paghahatid ng ilang mga USM tricycle sa mga pasahero kapag nag-iisa lang ito.

Tugon naman ni Ret. Col. Peralta na kunin ang kanilang body number at agad na ireport sa kanila.
Katunayan, aniya ay marami na silang mga tricycle draybers and operators ang nasasampulan dahil sa patuloy na paglabag sa batas trapiko.


Tinawag naman ng opisyal na malaking kasalanan ang failure to convey passenger para sa mga namamasada na hindi nagpapasakay o di kaya ay namimili ng pasahero. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento