(Amas, Kidapawan City/ August 12, 2014) ---Umaabot
na sa mahigit tatlong libong sako ng certified palay seeds na may katumbas na
halaga na P4,574,400.00 ang naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa
pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nasalanta ng
kalamidad na mga palayan sa lalawigan.
Ito ay bilang ayuda sa mga magsasakang
labis na naapektuhan ng mga pagbaha at iba pang kadahilanan mula noong
nakaraang taon hanggang Hulyo nitong taon.
Malaki ang pagpapahalaga ng Pamahalaang
Panlalawigan sa pagtulong sa mga magsasakang apektado ng kalamidad upang sila
ay makapagtanim muli, katunayan libreng dekalidad na binhi ng palay ang
ipinamigay sa kanila.
Narito ang breakdown ng mga naipamahaging
certified palay seeds sa bawat bayang natulungan ng OPA at ang katumbas nitong
sako ng certified rice seeds na naipamahagi sa mga magsasaka.
Carmen 742
bags
Kabacan 893
bags
Matalam 434
bags
Pikit 568
bags
Pigcawayan 500
bags
Mlang 267
bags
Tulunan 122
bags
Individuals 286
bags
Kabuuan 3,812
bags x P1,200.00 = P4,574,400.00
Ang proyektong ito ay bahagi ng calamity
seeds assistance program ng lalawigan ng Cotabato. Ruel Villanueva DXVL
OPAG News Correspondent
0 comments:
Mag-post ng isang Komento