(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2014)
---Isang nakaw na motorsiklo ang narekober ng mga otoridad sa brgy. Kayaga, Kabacan,
Cotabato alas 10:40 ng umaga nitong Sabado.
sa report ng Kabacan PNP narekober nila ang
nasabing sasakyan sa tulong ng mga elemento ng kapulisan kasama ang pinagsanib
na pwersa na elemento ng RPSB 12, mga tropa ng sundalo kasama ang brgy. Kapitan
ng Kayaga.
Napag-alaman na tinangay ang nasabing
sasakyan na isang RUSI 150 na may plakang JU 1116 habang nakaparada sa compound
ng bahay ni Kandidatu alimuden sa barangay Lanoon, Carmen, Cotabato ala 1:00 ng
madaling araw nitong Biyernes.
Dahil sa agad nakabigay ng alarma ang mga
rumesponding kapulisan, mabilis na natukoy ang kinaroroonan ng naturang carnap
vehicle.
Hindi naman naabutan ang suspek na
responsable sa naturang pagnanakaw.
Ang nasabing sasakyan ay nakarehistro sa
pangalan ni Erlinda Taping.
Agad na dinala ang nasabing motorsiklo sa
himpilan ng pulisya para sa gagawing pag-turn-over sa may ari nito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento