Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

110 kaparehas, ikinakasal sa isinasagawang Kasalan ng Bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2014) ---Abot sa 110 kaparehas ang ikinasal sa isinagawang “Kasalan ng Bayan” bilang bahagi ng selebrasyon ng 67th Founding Anniversary ng Kabacan.

Sinabi sa DXVL ni Municipal Registrar Officer Gandy Mamaluba na kakaiba ang Kasalan ng bayan sa ngayon dahil ito ay isinagawa ng mas maaga ngayong taon.

Mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang nanguna sa seremonya ng Kasalan ng Bayan.

Libre naman ng munisipyo ang lahat ng mga papeles ng mga ito kasama na ang pagkuha ang Cenomar at ang kanilang seminar.

Tatanggap naman ng regalo ang mga ikinsal mula kay Mayor Guzman.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga couple sa pagkakataong ito na maging legal ang kanilang pagsasama. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento