(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014)
---Magsasagawa ng Bloodletting activity ang Rural Health Unit ng Kabacan sa
pakikipagtulungan ng Health Emergency Management Program bilang bahagi ng 67th
Founding Anniversary ng Kabacan na gagawin sa Kabacan Pilot Central Elementary
School, Kabacan, Cotabato alas 8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 mamayang hapon.
Sinabi sa DXVL News ni Health Emergency
Management Coordinator Honey Joy Cabellon na inaanyayahan ang lahat na hindi pa
naka-donate ng dugo na magtungo lamang sa nasabing lugar.
Iniimbita rin nila ang mga taga-barangay na
magdonate ng dugo upang sa panahon ng emerhensiya at may mangangailangan ng
dugo ay may mapagkukunan ang mga ito.
Dagdag pa ni Cabellon na sasailalim naman sa
medical check-up ang lahat ng mga blood donor.
Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan din
ng Kidapawan Blood center at ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento