Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Agosto 18, ideneklara bilang Special Non-working Day sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014) ---Sa pagtalima sa ika-67th Founding Anniversary ng Bayan ng Kabacan, inilabas na ang nilagdaang Executive Order # 13-2014 ni Mayor Herlo P. Guzman Jr, na nagsasaad na ang August 18, 2014  ay isang SPECIAL NON-WORKING DAY sa bayan ng Kabacan.

Ibig sabihin mga Ka-unlad, ang Executive Order na ito ay magiging basehan ng ano mang institusyon na hindi sila magtatrabaho sa August 18, 2014 sapagkat lalahok at makikiisa sila sa selebrasyon. 


Desisyon pa rin ng pamunuan ng ano mang institusyon mapapubliko o pribado man dito sa ating bayan kung ang araw ba na ito ay lalahok sila o hindi. 

Dagdag pa dito Ka-unlad Rod na ang Executive Order na ito ay upang mabigyan ng konsiderasyon ang mga sasali o yo-ung may mga partisipasyon sa mga activities sa araw ng kapistahan ng Kabacan.

Ang Executive Order na ito, ayon pa kay Mayor Herlo P. Guzman, Jr., ay isang paraan upang hikayatin ang lahat ng mga institusyon, mga paaralan, mga organisasyon at establishments mapapubliko at pribado man, na makiisa at sumali sa pagdiriwang sa mahalagang araw na ito dito sa ating bayan mga Ka-unlad. 

Ito rin umano ay isang paraan na mapagtibay ng Lokal na pamahalaan ng Kabacan ang kanyang relasyon sa ibat-ibang partners nito sa Kabacan. 

Kanya ring pinalabas ang Executive Order na ito upang maging basehan nila sa kanilang pakikiisa sa paggunita   sa ating kapistahan. Sarah Jane Guerrero



0 comments:

Mag-post ng isang Komento