(Kabacan, North Cotabato/ August 8, 2014)
---Isasapinal na ang binubuong Organic Agriculture Code ng lalawigan ng
Cotabato makaraan ang isinagawang workshop hinggil dito sa General Santos City
kamakailan.
Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Technical
Working Group ng Provincial Organic Agriculture Board na nagmula pa sa
iba’t-ibang sector at mga institusyon na kinabibilangan ng DepEd, DTI, NIA,
DILG, DAR, small farmer group, NGO, private entrepreneur at ang SP Chairman ng
Committee on Tourism and Education.
Sa report ni OPAG Agricultural technologist
Ruel Villanueva kasama rin dito ang mga kinatawan ng Office of the
Provincial Agriculturist ng Cotabato na pinangungunahan ni PA Eliseo Mangliwan.
Umabot sa 40 katao ang participants para sa
nasabing plenary workshop sa crafting at finalization ng IRR ng Organic
Agriculture Code ng lalawigan.
Ang pagbuo ng IRR para sa Organic
Agriculture Code ng Cotabato ay mahalagang hakbang para sa pagsusulong ng
organikong pagsasaka sa lalawigan.
Kaugnay naman ng Industrial Crops
Development Program ng lalawigan, nagsagawa kamakailan ang OPA ng
reorganizational meeting para sa mga oil palm growers ng Tulunan.
Layon nitong palakasin ang organisasyon ng
mga oil palm growers upang mabahaginan sila ng dagdag at napapanahong kaalaman
sa masaganang produksiyon ng oil palm.
Ito ay dinaluhan ng 64 participants na
matamang nakinig at nakinabang sa mga talakayan.
Kahalintulad ring aktibidad ang isinagawa
para sa mga oil palm growers ng New Igbaras, Pigcawayan.
Nagbigay kamakailan ng
technical assistance ang Provincial Oil Palm Focal person na si Jorge Hernandez
patungkol sa cultural management practices ng oil palm. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento