(Kaabcan,
North Cotabato/ August 7, 2014) ---Muling nagharap sa isang pagpupulong ang
ilang mga lokal na opisyal ng Kabacan at Matalam upang pag-usapan ang land
conflict sa Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Kabacan, Cotabato kahapon.
Ayon
kay Executive Assistant to the Mayor Yvonne Saliling na kabilang sa mga
napag-usapan ay ang paglalagay ng Joint Ceasefire Monitoring Post na
mag-momonitor sa erya.
Dumalo
din sa nasabing pag-uusap si Vice Mayor Myra Dulay Bade bilang representante ni
Mayor Herlo Guzman Jr. sa nasabing pagpupulong.
Pero
ang naturang panukala ay nakabinbin pa sa ngayon sa Sangguniang Panlalawigan.
Kaugnay
nito, may mga nailatag namang short term solution ang naturang pag-uusap
kahapon upang maipagpatuloy ng mga magsasaka ang kanilang pag-aani ng mga palay
sa lugar.
Matatandaan
na isang magsasaka ang namatay sa nanagyaring putukan nitong Agosto a-4 na
kinilalang si Ronald Borgonios na residente ng bayan ng Mlang habang nagsasaka
ang mga ito sa Sitio Maligaya.
Umaasa
naman ang dalawang panig na agad na mabigyan ng solusyon at matutuldukan na ang
sinasabing matagal ng away lupa sa nasabing lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento