Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahang SUA ni USM Pres. Dr. Garcia, ihahayag kasabay ng convocation program ngayong umaga

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 6, 2014) ---Kasado na ang gagawing State of the University Address ni University of Southern Mindanao President Dr. Francisco Garcia, na isasagawa sa USM Ground, anumang oras ngayong umaga.

Ito ang sinabi ni Executive Assistant to the Pres. William dela Torres sa panayam ng DXVL News.

Ihahayag ng pangulo ang kanyang kauna-unahang SUA matapos ang gagawing convocation program kung saan lalamanin nito ang mga nagawa ng Pangulo sa loob ng mahigit anim na buwang panunungkulan sa Pamantasan.

Kaugnay nito, suspendido ang klase ngayong umaga lamang batay sa kalatas na nilagdaan ni Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante, guro at lahat ng mga kawani ng USM na makadalo sa nasabing programa.

Maliban Dito ihahayag din ng Pangulo susunod na planu nito sa Unibersidad sa mga susunod na taon sa larangan ng four fold functions ng USM sa instruction, Research, Extension at Resource Generation.

Kaugnay nito mapapakinggan naman sa DXVL Radyo ng Bayan ang State of the University Address ni Dr. Garcia.


Sa ngayon, naka-alerto naman ang mga elemento ng USM security force, pulisya at militar na kungsaan ipapakalat sa pagdausan ng programa para tiyakin ang seguridad ng bawat isa na dadalo sa nasabing SUA. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento