Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-inang negosyante, hinold-up na tinangay pa ang motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Hinold-up ng dalawang di pa nakilalang mga suspek ang mag-inang negosyante at tinangay pa ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa Sitio Dima, Brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kahapon ng umaga.

Sa report na nakarating sa Kabacan PNP nakilala ang mga biktima na sina Grace Pascual Domingo, 24-anyos habang nakilala naman ang ina nitong si Rosita Domingo, 63-anyos kapwa residente ng Brgy. Kilagasan ng bayang ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan, na habang nangongolekta ng itlog ng itik ang mga ito par asana gawing balut at bigla na lamang nilapitan ang nakababatang Domingo at tinutukan ng baril at nagdeklara ng hold-up.

Pwersahang kinuha ng mga suspek ang clutch bag ng biktima na naglalaman ng mga resibo, bank cash deposit, Driver’s license, motors id, ONB ATM card at cash na nagkakahalaga ng P2,000.

Liban dito, tinangay pa ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima na isang Honda Wave 100 at may license plate 2297 MZ na siya’ng ginamit ng mga suspek bilang get-away vehicle.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operasiyon ang mga kapulisan sa ilalim ng superbisyon ni P/Supt. Jordine Maribojo, pero bigong mahuli ang mga suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento