(North Cotabato/ August 8, 2014) ---Nagbitiw
na bilang legal counsel ng mga Ampatuan ang tatlong mga defense lawyer sa Maguindanao
massacre case.
Nabatid na
magkahiwalay na naghain ng kanilang withdrawal of appearance sina Atty. Andres
Manuel, Atty. Paris Real, at Atty. Sigfrid Fortun sa Quezon City Regional Trial
Court Branch 221. Nagkain ng kanyang withdrawal of appearance si Fortun para sa
mga akusadong sina Andal Ampatuan Sr. at Andal Jr.
Habang sina Manuel at
Real ay nagbitiw naman bilang abogado ni Ampatuan Jr. at iba pang mga akusado
sa kaso.
Wala namang ibinigay
na dahilan ang naturang mga abogado kaugnay ng kanilang pagbibitiw.
Sa panig naman ni
Atty. Harry Roque Jr., isa sa mga private lawyer ng mga biktima sa Maguindanao
massacre, malinaw umano na nais ng depensa na bumagal ang pagdinig sa kaso.
Aniya, nagbitiw ang
tatlo nang tiyakin ng korte na tuloy-tuloy na ang pagdinig sa mga kasong
multiple murder laban sa mga akusado.
Posibleng mababalam
ang kaso ngayong wala ng abogado ang kampo ng mga Ampatuan na itinuturing na
pangunahing suspek sa Maguindanao Massacre case na nangyari noong Nobyembre
2009 at kumitil ng 58katao kasama na ang maraming mamamahayag. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento