Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Estudyante ng USM, patay sa nangyaring Vehicular Accident sa Matalam, Cotabato

Photo from FB
(Matalam, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Dead on arrival sa bahay pagamutan ang isang 4th year College Student ng University of Southern Mindanao makaraang masangkot sa vehicular accident sa National Highway partikular sa harap ng Bersola residence, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang nasawing biktima na si Philip John Dalodado Torres, 22-anyos, 4th year College Student ng USM at residente ng Katidtuan, Kabacan.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP nabatid na kapwa tinatahak ng biktima ang kahabaan ng National Highway buhat sa Poblacion, Antipas papunta dito sa bayan ng Kabacan.

Lulan si Torres ng isang Kawasaki Rouser 220 na may license plate number 4797MU habang sakay naman sa isang Honda XRM 125 ang isa pang estudyante ng USM na kinilalang si Vincarl Buenaflor Carreon, 21-anyos na residente ng San Mateo, Aleosan.

Napag-alaman na nag-overtake umano ang dalawa sa isang dumptruck na nasa unahan ng mga ito pero aksidenteng nasalpok ng Kawasaki Rouser ang Honda XRM at dahil sa lakas ng pagkaka-bangga tumilapon ang biktimang si Torres sa kalsada.

Naisugod pa ang biktima sa Babol General Hospital pero di na ito umabot pa ng buhay.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento