Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

40 days ni Ka-kunektadong Irah, gugunitain ngayong araw!

(Kabacan, North Cotabato/ August 7, 2014) ---Gugunitain ngayong araw ng kanyang mga kapamilya, kaibigan at mga kasama sa trabaho ang 40 araw na pagkamatay ni Miss Irah Palencia Gelacio ng DXVL Radyo ng Bayan.

Planu ng kanyang mga kapamilya at mga kasamahan sa trabaho na magtungo sa sementeryo ngayong umaga para alalahanin ang 40 days nito sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak at pagtirik ng kandila.

Matatandaang Hunyo a-29 ng madaling araw ng pumanaw ang broadcaster ng DXVL dahil sa kumplikasyon nito na dinaramdam matapos na manganak noong Hunyo a-24 ng madaling araw sa Lying-In ng RHU Kabacan.


Sa ngayon patuloy pa angginagawang imbestigasyon ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kabacan sa nauna ng inihaing reklamo ng pamilya Gelacio at ang ginagawang pagsisisyast din ng IPHO-North Cotabato.

Layon ng pamilya Gelacio na mapaayos ang Health services ng RHU upang hindi na maulit ang nangyari kay Miss Irah. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento