By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ August 5, 2014) ---Nakauwi na
dito sa Pilipinas ang tatlong Overseas Filipino Workers o OFW mula sa Middle
East.
Nitong Hulyo a-10 ay masayang sinalubong ng kanang
pamilya si Abegail Raval, 28 anyos at resident ng Barangay Kimagango, Midsayap,
North Cotabato.
Umuwi sa Pilipinas si Abagail dahil sa delikadong
sitwasyon sanhi ng nagaganap na kaguluhan sa Syria at karatig-bansa sa Gitnang
Silangan.
Ayon pa kay Abagail, tinulungan sya ng Phillipine
Embassy at iba pang ahensya ng gobyerno kasama ang grupong “Patnubay” at
“Kaagapay” para makauwi ng ligtas.
Samantala, nitong nakaraang buwan din ay dumating na sa
bansa ang magkapatid na OFW na sina Rachiel Otic at Cherrie Otic, kapwa
residente ng Barangay Paruayan, Alamada, North Cotabato.
Galing sa bansang Kuwait ang magkapatid na Otic. Ayon sa
kanilang pahayag, minaltrato umano sila doon ng kanilang mga amo.
Nagpapasalamat ang magkapatid na Otic sa mabilis na
aksyon ng gobyerno at iba pang pribadong grupo upang maisalba sila sa
pang-aabuso ng kanilang employer.
Kaugnay nito ay magbibigay naman ng tulong ang
Department of Social Work and Development o DSWD Region XII sa mga nasabing
OFW.
Sinabi ni First Congressional District Focal Person for
Special Operation Benny Queman na nagpapatuloy din ang ugnayan ng opisina ni
Rep. Jesus Sacdalan sa Departmant of Labor and Employment o DOLE, Overseas
Workers Welfare Administration o OWWA at DSWD XII upang mabigyan ng panimulang
tulong-pangkabuhayan ang mga tatlong OFW.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento