By Roderick Rivera Bautista
(Libungan, North Cotabato/ August 8, 2014)
---Kitang- kita ang pagkakaisa ng mga Libunganon sa kanilang pagdiriwang ng
ika- 53 anibersaryo ng kanilang bayan.
Aktibong lumahok ang mga kinatawan ng ibat-
ibang sektor sa idinaos na culmination activity ngayong araw sa municipal
grounds.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Libungan Mayor
Manuel Dela Serna ang mga indibidwal at grupong nakikiisa sa patuloy na
pagtataguyod ng kaunlaran at kapayapaan.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay
“Libungan, Walay Pagduha- duha, Kalambuan Kab-ot Na! Lihok Abante Nagkahiusa, Alang
sa Masa”.
Samantala, pinasalamatan ni North Cotabato
First District Rep. Jesus Sacdalan ang mga Libunganon sa kanilang patuloy na
pagtutulungan upang makamit ang nararamdamang kaunlaran sa kanilang bayan.
Hinikayat din ng kongresista ang mga
Libunganon na manatiling aktibo sa lahat ng programa at proyektong isinusulong
ng pambansang gobyerno at ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay ng anibersayo, iba’t- ibang
aktibidad ang idinaos tulad ng Agri- Trade Fair 2014, Jobs Fair, Indigenous
People and Muslim Day, bloodletting, at maramin pang iba na lalong nagpakulay
sa selebrasyon.
Nabatid na taong 1961 nang itatag ang bayan
ng Libungan sa bias ng kautusan ng dating Pangulong Carlos P. Garcia.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento