By:
Jimmy Sta. Cruz
(Amas, Kidapawan City/ August 4, 2014) ---Abot
sa 10 mga nangungunang dart club members sa bansa ang tampok ngayon sa 4th Gov
Lala J. Taliño-Mendoza P200,000 National Open Dart Cup na nagsimula noong
Aug.1-at nagtapos kahapon sa Colegio de Kidapawan o CDK.
Ayon kay Jevie Curato ng Provincial
Treasurer’s Office o PTO at Focal Person ng palaro, ang mga partisipante sa
Mindanao ay nagmula sa mga lungsod ng General Santos, Pagadian, davao,
Koronadal, Digos, Cotabato, Tacurong, Tagum, Cagayan de Oro, Bayugan,
Ipil-Zamboanga del Sur, Sindangan-Zambonga del Norte at Banga- South Cotabato.
Mula naman sa Luzon, ang mga partisipante ay
nanggaling sa Marikina at Makati.
Humigit-kumulang sa 300 ang bilang ng mga
dart players na dumagsa sa CDK karamihan sa mga ito ay mga kampeon at mga
pambato nag kanilang mga koponan.
Inaasahan naman ang mahigpitang laban ng mga
top dart players upang mapanalunan ang premyo na aabot sa kabuuang P200,000.
Bisita sa opening ceremony ng kompetisyon si
Kidapawan City Vice Mayor Rodolfo Y. Gantuangco at si National Dart Federation
of the Philippines (NDFP) na si Roberto T. Soncuya.
Sina VM Gantuangco at Soncuya ang nanguna sa
Oath of Sportsmanship at Ceremonial Throw.
Ibinigay naman ng Tournament Committee ang
mga guidelines o alituntunin ng laro upang maging malinaw sa lahat ang takbo ng
kompetisyon.
Sa loob ng 3 araw, maglalaban ang mga
players sa pamamagitan ng match formal single knock out at best of 5 and finals
best of 7.
Ang 4th Gov Lala. J. Taliño-Mendoza ay
bahagi ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival ngayong taon at ng ika-100 taon ng
lalawigan ng Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento