Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

23-anyos na Babae; biktima ng “Budol-budol gang” sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Natangay mula sa isang 23-anyos na ginang ang kanyang kwintas na nagkakahalaga ng Siyam na Libung Piso (P9,000.00) makaraang mabiktima na budol-budol gang alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Tata Kosim Tode, 23-taong gulang, may asawa at residente ng Batongkayo, Datu Montawal, Maguindanao.

Naganap ang pambibiktima ng di pa nakilalang suspek habang nasa Sugni Super Store si Tode na makikita sa Rizal St., National Highway, Kabacan, Cotabato.

Di umano maipaliwanag ng biktima kung bakit nito naibigay bigla lamang ang kanyang gamit kasama ang cash na P1,540.00 mula sa pera ng kanyang asawa.

Samantala bago ang nabanggit na insedente pambibiktima ng budol-dubol gang sa Kabacan, dakong alas 10:40 ng umaga kahapon din, pinasok umano ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang isang tindahan sa USM Avenue.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, nabatid mula kay Juvelyn Collado Oreacion, 39-anyos residente ng nabanggit na lugar, pinasok umano ng nasa edad 23-anyos ang nasabing tindahan at kinuha ang kanyang wallet na naglalaman ng Metro Bank ATM Card, BPI ATM Card, SSS ID, Voter’s ID. Grocery ID at cash na nagkakahalaga ng P3,000.00.

Sinira umano ng salarin ang main door ng tindahan para gawing entrance point para mapasok ang tindahan.

Sa ngayon, aminado ang Kabacan PNP na tumataas ang bilang ng insedente ng pagnanakaw sa tuwing kapaskuhan at papalapit ang pagsalubong ng bagong taon.
Kaya paalala nila sa publiko na maging maingat at vigilante kontra sa mga masasamang loob. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento