(Kabacan, North Cotabato/ December 29, 2012)
---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang pribadong plantasyon ng oil
palm sa brgy Dagupan, Kabacan, cotabato alas 10:00 ngayong umaga lamang.
Sa panayam ng DXVL News kay Supt. Leo Ajero,
hepe ng Kabacan PNP, ang nasabing
bangkay ay nasa 5’5 ang taas, edad 40-45 taong gulang.
Nakasuot ng putting long sleeve at brown na slacks.
Batay sa report ngmga imbestigador, ang
nasabing bangkay ay nakagapos ang kamay at posibleng hinampas umano ng isang di
pa matukoy na matigas na bagay ang ulo nito na posibleng nagging dahilan ng
agara nitong kamatayan.
Ang duda ni supt. Ajero, posibleng itinapon
lamang sa nasabing plantasyon ang bangkay, dahil wala umanong mga nakitang
ebedensiya sa crime scene na doon piñata ang biktima.
Sa ngayon, nasa Villa Jusa Funeral Parlor
ang bangkay ng nasabing lalaki, at ayon kay Supt. Ajero may nag claim na
umanong pamilya buhat sa Ilian, Matalam pero patuloy pa ang ginagawang
validation. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento