Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Framework Agreement on the Bangsa Moro hindi raw tugon sa problema nang Mindanao - ayon kay Cotabato City Vice Mayor at MNLF Central Committee Chair Muslimin Sema


Kung si Cotabato City Vice Mayor at Moro National Liberation Front o MNLF Central Committee Chair Muslimin Sema ang tatanungin, hindi solusyon ang nilagdaang Framework Agreement of the Bangsamoro sa matagal nang problema sa kapayapaan sa Mindanao.
           
Ito ang ipinahayag ni Sema sa ginanap na Bangsa Moro Peace Forum sa barangay Kilada, Matalam, North Cotabato noong Sabado.
           

Ayon kay Sema, hindi ang Framework Agreement ang lulutas sa mga isyu nang kapayapaan at sa halip ito ay isang uri nang panloloko sa mga mamamayan nang Mindanao.
           
Sinabi ni Sema na tila nagkukubli ang pamahalaan ng Pilipinas  ginagamit nitong sangkalan ang Framework Agreement dahil ayaw nitong ipatupad ang nilalaman nang 1996 Final Peace Agreement na siya umanong solusyon sa kaguluhan sa Mindanao.

Para raw sa MNLF Central Committee ang Frame work Agreement ay nagbibigay ng maling mensahe sa mamamayan nang Mindanao dahil hindi naman nito taglay ang mga hinihingi nang Bangsamoro na nakapaloob sa 1996 Final Peace Agreement, dagdag pa ni Sema.

Kasama ni Sema na dumalo sa naturang Peace forum ang iba pang mga matataas na opisyal ng MNLF.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento