Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagdiriwang ng pasko sa probinsiya ng North Cotabato; naging matiwasay at tahimik sa kabuuan


(Kabacan, North Cotabato/ December 25, 2012) ---Pinasalamatan ni Cotabato Police Provincial Director Senior Supt. Roque Alcantara ang mamamayan ng Cotabato sa kooperasyon at pakikiisa sa pagdiriwang ng pasko.

Ito matapos na naging tahimik at matiwasay sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa probinsiya.
Aniya, wala naman umanong mga malalaking krimen ang naitala sa mga himpilan ng pulisya sa iba’t-ibang mga munisipyo ng Cotabato.

Una na ring tiniyak ng kanilang pamunuan na naka full alert status sila simula ng mag umpisa ang simbang gabi.

Dagdag pa nito, na todo bantay ang kanyang tauhan sa mga matataong lugar lalo na sa terminal ng bus, simbahan at ilang mga superstore.

Nagpaabot din ng pagbati ang opisyal ng maligayang pasko sa lahat sa pamamagitan ng himpilang ito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento