(Kidapawan City/December
27, 2012) ---Hindi sang-ayon ang ilang mga empleyado nang Kidapawan City LGU sa
mandatory deduction nang halagang P 3000 mula sa kanilang year-end bonus bilang
pambayad sa medical insurance.
Ayon sa reklamo nang mga
empleyado, hindi na umano tinatanggap nang mga hospital sa Kidapawan City ang
binayaran nilang Medicard sa di nabanggit na kadahilanan.
Kaya naman para sa mga
nagrereklamong empleyado, hindi na makatarungan ang pagbabawas sa kanilang
bonus dahil di rin naman magagamit ang napiling health facility.
Tumanggap nang P 15,000
bilang bonus ang bawat empleyado nang LGU Kidapawan at ibinawas dito ang P
3,000 na pambayad sa Clinicard.
Nakatakda naman umanong
magbigay nang tugon ang mga opisyal nang Kidapawan City Government Employees
Association o KCGEA na siyang kumuha sa serbisyo nang Clinicard.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento