Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga nanalo sa liwanag sa Kabacan Contest


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Nakuha ng St. Lukes Institute ang 1st place sa Parol at Belen category sa katatapos na “Liwanag sa Kabacan contest” bilang bahagi ng pagdiriwang ng pasko sa bayan ng Kabacan.

Ang anunsiyo ay opisyal na inilabas ng LGU Kabacan, ito ayon aky Information Officer Ragilda “Dadang” Martin.

Itinanghal namang 2nd place ang Kusina Kabacan 2 sa nasabing kategorya, habang 3rd place naman dito ang Mokojo Bistro.

Sa Christmas Tree naman, nasungkit ng Kusina Kabacan 1 ang 1st place habang, 2nd place ang Novo Jeans at 3rd Place ang Alma’s.

Samantala para naman sa kategoryang designed lights: 1st Place ang Caltex gasoline station na nasa Rizal St., National Highway; 2nd Place ang Superama at 3rd place ang Petron gasoline station.

Ang liwanag sa Kabacan Contest 2012 ay bahagi ng pagdiriwang ng pasko sa bayan ng Kabacan.

Karamihan sa mga partisipante sa nasabing event ay mga estbalisiemento na nasa National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ang mga mapapanalonang papremyo ay ihahatid ng LGU Kabacan sa kani-kanilangmga establisiemento. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento