Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kawani ng Provincial government; isasailalim sa Random Drug test bukas, matapos masangkot sa illegal drugs ang isang empleyado


(Amas, Kidapawan City/ December 26, 2012) ---Determinado ngayon si cotabatao Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na dapat ay parusahan ang sinuman partikular na ang mga kawani ng Provincial government na sangkot sa pagtutulak at pagagamit ng illegal na droga.

Ginawa ni Mendoza ang pahayag matapos na maaresto ang isang empleyado ng Cotabato Provincial Engineering dahil sa illegal na droga.

Kung matatandaan, hinuli sa isang buybust raid sa Kidapawan City si Bandro Teparan Olimpain, 41, empleyado ng Cotabato Provincial Engineering Office  ng Provincial Capitol at residente of Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato.

Sinabi ni Cabico na narekober mula sa suspek ang dalawang sachet ng ‘shabu’, na sinasabing ipinagbabawal na droga, marked money; at motorsiklo.

Si Olimpain ay naaresto sa isinagawang buy bust raid sa hideout nito na nasa Barangay Amas, Kidapawan city.

Ito na ang ika-tatlumpu’t tatlong tulak droga na nahuli ng mga otoridad simula buwan ng Nobyembre.

Kaugnay nito, isasagawa ngayong araw ang random drug test ang Provincial Government para malaman kung sinu sa mga kawani ng kapitolyo ang gumagamit ng illegal na droga. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento