(Kidaapwan City/ December 25, 2012) ---Sa
halip na magsama-sama sana kagabi sa isang masayang noche Buena, sa ospital na
ipinagdiriwang ng 42-anyos na negosyante ang kanya ang kanilang kapaskuhan.
Ito makaraang mabangga ng isang rumaragasang
itim na sasakyan ang minamaneho nitong motorsiklo sa National Highway ng
Kidapawan sity kagabi.
Kinilala ang biktima na si Rey Gabanes ng
Brgy. Amas, Kidapawan City na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at sa iba pang
bahagi ng kanyang katawan matapos na mangyari ang insedente.
Mabilis umanong humarurot ang may ari ng
nasabing sasakyan at imbes na tulungan si Gabanes, hinayaan na lamang siya.
Isinugod naman ng mga sumaklolong kamag-anak
ang biktima sa Cotabato Provincial Hospital para mabigyan ng karampatang lunas.
Habang umiskapo naman ang nasabing driver papalayo
sa direksiyon Davao Highway. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento