Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsalubong ng Pasko sa Kabacan, naging matahimik sa kabuuan


(Kabacan, North Cotabato/ December 26, 2012) ---Generally Peaceful sa kabuuan ang pagsalubong ng pasko sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon sa report ng Kabacan PNP ngayong umaga.

Sa panayam kay P03 Bobby Salcedo, Desk Officer ng Kabacan PNP inihayag nito na naging matahimik at maayos sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa bayan at walang mga malalaking krimen ang naitala sa kanilang blotter log book.


Maliban na lamang sa isang insedente ng pananakit sa isang babae na nagreklamo ngayong umaga sa Kabacan PNP.

Bagama’t di pinangalanan ang nasabing babae na resident eng bonifacio St., agad naming inindorso ang kaso nito sa Women’s and Children Protection Desk o WCPD.

Kaugnay nito, nagpaabot din ng kanilang pasasalamat ang Kabacan PNP sa pangunguna ni Supt. Leo Ajero dahil sa naging matahimik ang buong bayan sa pagdiriwang ng pasko at inaasahan din nila na maging matahimik ang pagsalubong ng bagong taon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento