(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012)
---Inilagay na sa full alert status ng Kabacan PNP ang kanilang himpilan
ngayong bisperas ng pasko at bago ang pagsalubong ng bagong taon.
Ito ang sinabi kahapon sa DXVL Radyo ng
bayan ni PC/Inps. Jubernadine Panes, ang Deputy Chief of Police ng Kabacan PNP
ilang oras bago ang pasko mamaya.
Sinabi ng opisyal na may mga ipinakakalat na
silang elemento at tauhan ng PNP kasama ang augmentation team ng military sa
mga pangunahing lugar at mga matataong lugar sa bayan kagaya ng Palengke,
terminal at sa lahat ng mga vital installation sa Kabacan kasama na ang
National Highway at ang simbahan kungsaan isinasagawa ang simbang gabi.
Nagpapatuloy naman ang kanilang visibility
patrol sa kabila ng mga nagaganap na nakawan sa bayan.
Una na ring tiniyak
ng Philippine National Police na in-place na ang lahat ng kanilang mga tauhan
hinggil sa pagsasailalim ng buong pwersa sa heightened alert status epektibo
alas-5:00 ng hapon kahapon..
Isasailalim sa heightened alert
ang buong Luzon at Visayas, habang mananatili sa full alert ang Mindanao.
Ayon kay PNP spokesman C/Supt.
Generoso Cerbo, ang paglalagay sa heightened alert sa buong PNP ay bahagi ng
kanilang ipinapatupad na security plan ngayong holiday season.
Sinabi pa ni Cerbo, magiging
"visible" ang presensya ng mga kapulisan sa iba't ibang pampublikong
lugar at lansangan upang matiyak na ligtas ang mga tao sa pag-uwi sa
kani-kanilang mga probinsya upang magbakasyon.
Naniniwala ang PNP na posibleng
samantalahin ng mga masasamang tao ang holiday season kung kaya't umapela ang
mga ito sa mga magbabakasyon na isarado nang maige ang kanilang mga tahanan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento