(Kabacan, North Cotabato/February 2, 2012) ---Sa ikatlong pagkakataon, muli’ng ipinag-utos ng Regional Trial Court branch 22 sa bayan ng Kabacan na pakawalan ang mga suspected drug courier na nakulong matapos ang buy-bust raid.
Kamakailan, ipinag-utos ni RTC 22 Judge Laureano Alzate ang pagpapalaya sa apat na mga preso dahil sa umano paglabag sa ‘chain of custody rule’ ng mga umaresto sa kanila.
Di rin umano sumisipot sa mga pagdinig sa korte ang mga testigo ng PNP.
Ang mga pinakawalan ay sina Edgar Corpuz na hinuli noong Sep 15, 2003; Dodong Alon na nahuli noong June 4, 2004; Lanie Alamada na hinulong noong Sep 10, 2005; at Ben Langayen Payo na hinuli noong July 27, 2006.
Lahat sila ay hinuli sa bayan ng Kabacan.
Nanguna sa paghuli sa mga ito ang Kabacan PNP at ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Judge Alzate ang mga pulis na sundin ang itinatakda ng batas, lalo na ang chain of custody rule at ang disposition of confiscated dangerous drugs para ‘di nasasayang ang kanilang pagod sa kanilang mga operasyon. (Rhoderick BeƱez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento