Written by: Rhoderick BeƱez
(USM, Kabacan, North Cotabato/January 31, 2012) ---Kahapon pa nagsimula ang pamumutol ng mga puno ng kahoy na nasa gilid ng University of Southern Mindanao na nakakasagabal sa mga residente ng Sunrise at Sunset at nakakasira pa umano ng bakod ng USM.
Ito ang napag-alaman mula kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan sa panayam ng Radyo ng Bayan ngayong hapon.
Ayon sa opisyal may kaukulang permit sila na inaprubahan ng DENR para mamutol ng mga kahoy.
Ang permit na ibinigay ng DENR ay nagpapahintulot sa pagputol ng kahoy sa gilid lamang ng USM dahil ang mga ugat nito ang dahiln kung bakit nasisira ang mga semento at ang bakod.
Aprubado naman ito sa pamunuan ng University of Southern Mindanao.
Kaugnay nito, dadalhin naman sa munisipyo ang mga pinutol na kahoy at gagawing mga upuan ng day care children.
Kabilang sa mga kahoy na puputulin ay mga Mahogany, G-melina at iba pa.
Gayunpaman, ang mga pinutol na kahoy ay papalitan naman ng MENRO Kabacan at itatanim ang mga ito sa tamang lokasyon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento