Written by: Neriza Espino
(Kabacan, North Cotabato/February 2, 2012) ---- Inaanyayahan ang lahat ng mga mamamayan dito sa probinsya ng North Cotabato na mag-avail sa supplemental Philhealth o dating emergency philhealth.
Ayon kay Mr. Joseph Maganaka, CHIP and Philhealth Municipal Coordinator maaring tumungo saw along philheath accredited hospitals ditto sa lalawigan. Kasama dito ang
Fr. Tulio Favali Municipal Hospital sa Tulunan
Dr. Amado Diaz Provincial Hospital sa Midsayap
Alamada Municipal Community Hosp sa Alamada
Aleosan District Hospital sa Aleosan
Cotabato Provincial Hospital sa Amas
Mlang District Hospital sa Mlang
Pres. Roxas Prov. Community Hospital sa Pres. Roxas
Arakan Valley Municipal Hospital sa Arakan
Para naman sa emergency cases, maaaring magamit ang supplemental Philhealth o Emergency Philhealth sa Davao Medical Center, Cotabato Regional Hospital at Maramag District Hospital dahil sila ay mga affliated Hospitals.
Paalala pa ni Mr. Maganaka, magagamit lang umano ang supplemental Philhealth o Emergency Philhealth sa private hospitals sa mga emergency cases gaya ng vehicular accidents, bombing, stab wounds at iba pang kahalintulad na kaso.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento