Written by: Rhoderick BeƱez
(Pikit, North Cotabato/January 31, 2012) ---- Itinuturong mga grupo ng Al-Khobar ang nasa likod ng pagpapasabog ng IED noong linggo ng gabi sa terminal ng Pikit, North Cotabato sa harap mismo ng isang target na tindahan.
Mrs. Filipinas |
Ito makaraang sampung araw matapos makatanggap ng extortion letter ang negosyanteng si Cecilia Filipinas, sumabog ang isang improvised explosive device o IED na gawa sa 60-mm mortar sa harap mismo ng kanyang tindahan sa public market ng Pikit, North Cotabato.
Filipinas Store in Pikit, Cotabato |
Inilagay ang bomba sa isang poste ng tindahan ni Mrs. Filipinas.
Ang mga shrapnel ng bomba tumama sa kisame ng tindahan at sa pintuan nito.
Extortion ang motibo sa pagpapasabog, ayon sa Pikit PNP.
Al Khobar Extortion letter |
Ginamit na batayan nila ang extortion letter na tinanggap ni Mrs. Filipinas na umano nagmula sa grupo’ng Al Khobar, kilala sa pagiging extortionist sa bahagi ng south at central Mindanao.
Natanggap umano ni Mrs. Filipinas ang sulat noong January 19.
Pero ni kusing hindi raw siya nagbigay sa mga extortionist. Ito na ang ikalimang pag-atake sa tindahan ni Mrs. Filipinas.
Noong nakaraang taon, apat na beses din’g pinasabugan ang kanyang tindahan at bahay nang tumanggi siya’ng magbigay ng protection money sa grupo’ng Al Khobar.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento