Written by: Rhoderick BeƱez
(Carmen, North Cotabato/February 2, 2012) ---- Muli na namang nakakumpiska ng mga abandonadong illegal sliced lumber mula sa iba’t-ibang laki at uri ng mga kahoy ang mga otoridad sa tatlong mga brgy. sa bayan ng Carmen, Cotabato.
Napag-alaman sa report ng Carmen PNP sa pamumuno ni P/Inps Jordine Maribojo, na abot sa mahigit kumulang sa isang libung board feet ng mga kahoy ang kanilang nakumpiska sa kanilang kampanya kontra illegal logging sa lugar.
Ang nasabing simultaneous drive laban illegal logging ay pinangunahan ng pinagsanib na elemento ng Carmen PNP sa pamumuno ni SPO4 Pancho Bais, Chief Intelligence Section, Bravo Company, 7IB PA at ilang mga Brgy. Officials sa pakikipagtulungan ng Local DENR office ng simultaneous drive kontra illegal logging sa ilang lugar sa Carmen, North Cotabato.
Kabilang sa mga lugar na kanilang ni-raid ay ang Brgy. Ugalingan, Brgy. Malapag at purok tawan-tawan.
Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang ilan pang mga illegal looging sa bayan habang patuloy pang inaalam kung sinu-snu ang nag-mamay-ari ng nasabing mga illegal sliced lumber.
Ang naturang forest products ay pansamantalang nakalagak sa Carmen Police Station para sa kaukulang aksyon. (with report from Neriza Espino)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento