(North Cotabato/ January 4, 2015) ---Bumagsak sa kamay
ng otoridad ang isang tatay na responsable sa panggagahasa sa mismong anak
nitong 10-anyos sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and
Detection Group-North Cotabato habang pauwi sa bahay nito sa Sitio Buguak,
Brgy. Kibia, Matalam, North Cotabato alas 2:45 ng hapon kahapon.
Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP
kinilala ang suspek na si Jimmy Cañedo Herbolingo, 37-anyos, may asawa,
magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu
ni Hon. Judge Alandrex Betoya, ang Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th
Judicial Regioan, Kabacan, Cotabato.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong panggagahasa at
pang-aabuso partikular sa Sec 10 ng RA 7610.
Nahuli ang suspek sa pinagsanib na pwersa ng Matalam PNP
at ng CIDG North Cotabato na pinangunahan nina SP03 Froilan Platon ng CIDG
North Cotabato, CIS Carino Burlat at nina P03 Ricardo Senses, PO3 Ian Ledesma
at P01 Johnrey Quebuyin.
Matagal na ring minamanmanan ng mga otoridad ang suspek
at habang pauwi ito kahapon sa kanialng bahay ay agad na inaresto Herbolingo at
dinala sa himpilan ng pulisya. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento