Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nakaw na motorsiklo, narekober ng Task Force Pikit

(Pikit, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Narekober ng Task Force Pikit ang isang nakaw na motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Inug-og, Pikit, North Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, ang Commanding Officer ng TF Pikit na habang nagsasagawa ng highway check ang mga elemento ng Pikit PNP ng kanilang pinara ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Sa halip na huminto ay pinaharurot pa ng mga ito ang kanilang takbo at tumakas sa bahagi ng Sitio  Pogpog ng brgy. Poblacion.

Agad na nagkasa ng dragnet operation ang TF Pikit hanggang sa bahagi ng hangganan ng Brgy. Inug-og.

Kaya ng matunugan ng mga suspek nan a-corner na sila, kanilang inabandona ang kanilang sinasakyang motorsiklo at tumakas sa di malamang direksiyon.

Narekober ng mga otoridad ang nasabing sasakyan na naka-registered kay Norsalyn Matalam Guialil ng Brgy. Kilangan, Pagalungan, Maguindanao at napag-alamang ninakaw noong Disyembre a-31 ng nakaraang taon.

Napag-alaman mula kay Supt. Maribojo na ang mga suspek na tukas ay kabilang sa mga WWTL o mga watch, wanted and target na mga criminal sa bayan na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

Ang nasabing sasakyan ay nasa kustodiya ngayon ng Pikit PNP at naka-takdang i-turn-over sa may ara anumang araw simula ngayon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento