(Mlang, North Cotabato/ January 2, 2015) ---Agad
na kinondena ni Cotabato Governor Emmylou”Lala” Talińo Mendoza ang panibago na
namang pagpapasabog sa bayan ng Mlang alas 3:40 ng hapon sa bisperas ng
pagsalubong ng bagong taon.
Sa isang kalatas na ipinarating ng opisyal
tinawag nitong “act of barbarism” ang naturang pagpapasabog kasabay ng
pag-aatas nito sa Pamahalaang Lokal ng Mlang at ng mga kapulisan na gawin ang
lahat para tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Sa ulat ni PSI Jojet Nicolas, ang
tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na umakyat na sa dalawa ang
nasawi habang 34 naman ang sugatan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Kristine
Salo, 28-anyos, may asawa, residente ng Brgy. Bialong, Mlang na sinasabing dead
on arrival sa ospital, napatay naman habang ginagamot sa ospital si Zenaida
Suello, 47-anyos, residente ng Brgy. Malayan, Mlang.
Binawian ng buhay ang huli alas 5:00 ng
umaga kahapon.
Samantala, patuloy namang ginagamot ngayon
sa iba’t-ibang ospital sa bayan ng Mlang at sa Cotabato Provincial Hospital ang
34 na iba pa.
Base sa imbestigasyon ng pinagsanib na
pwersa ng Mlang PNP, Cotabato Provincial Public Safety Forces Explosive
Ordnance Division Team (CPPSF-EODT) at ng SOCO Team na ang IED ay inilagay sa
main entrance ng Public Market partikular sa Rizal St., Poblacion A ng nasabing
bayan.
Dahil sa insidente, galit ang naramdaman
ngayon ni gov. Lala sa mga suspek na nagpasabog sa bayan ng M’lang at inatasan
nito ang pulisya na gawin lahat para mahuli at managot sa batas ang mga taong
sangkot sa pambobomba.
Ang mga sugatan naman na ginagamot ngayon sa : Mlang District Hospital ay sina:
Candida Pante 53 y/o
Michelle Martin Catulong 32 y/o
Arlyn Tasis 38 y/o
Melba Duazo 22 y/o
Jonathan Tube 29 y/o
Jenelyn B. Pedalan 25 y/o
Mariafe Salo 28 y/o
Alfred Berondo 13 y/o
Sharmaine Jungco 17 y/o
Rosalie Buenaflor 63 y/o
Susan Gallo 37 y/o
Libereto Navasquez 20 y/o
Rey Galos 7 y/o-Davao City
Roldan Clinic
Princess Belardo 18 y/o
Kim Marc 14 y/o
Teresita Napat - Brgy. Poblacion-b, Mlang
Mlang Doctors Hospital
Marilyn Borgonios 37 y/o
Jojet Makirang 42 y/o
Jenelyn Matunan 27 y/o
Jesus Cuerpo 81 y/o
Jovelyn Marfil 37 y/o
Ivy Protacio 39 y/o
CEM Medical Specialist
Shirly Jawod 39 y/o
Jowers Clyde Jawod 11 y/o
John Cedric Jawod 9 y/o
Gilbert Guadalupe 31 y/o
George Gearo 34 y/o
Joan Mae Salazar 26 y/o
Liza Mae Buenafe 27 y/o
Milo Condino 28 y/o
Felix Protacio 17 y/o
Zuraid Brilliantes Brgy. Malayan, Mlang
Matatandaan na noong Nobyembre 23,2014 ginulantang rin
nang pagsabog ang bayan ng M’lang kung saan 3 ang nasawi at 24 ang sugatan na
hanggang ngayon ay hindi pa nakamit ng mga biktima ang hustisya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento