(North Cotabato/ January 2, 2015) ---Sa kabila ng
kampanya ng Department of Health o DOH 12 ng iwas paputok sa pagsalubong ng
bagong taon, mas mataas naman ang nabiktima nito ngayong pagpasok ng 2015.
Ayon kay Department Of Health Regional Director Dr.
Teogenes Baluma umabot na sa 93 cases ang nabitkima ng paputok sa rehiyon sa
pagsalubong ng bagong taon, sa ginawang monitoring ng ahensya hanggang alas
sais ngayong umaga.
Sinabi ni Baluma na mas mataas ng 50 percent ang bilang
ng mga biktima ng fire cracker ngayon taon kumpara noong 2013.
Aniya, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga
nasabugan ng puputok ang North Cotabato, sinundan ng South Cotabato, General
Santos City, Sultan Kudarat at Saranggani.
Nabatid na karamihan sa mga biktima mula nasabing
bilang, ay pawang mga menor de edad at karamihan ay mga lalaki.
Sa bayan ng Kabacan, Samantala, masayang ibinalita ni
Health Emergency and Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ng RHU
Kabacan na nakapagtala ang bayan ng Kabacan ng Zero Fire Cracker Incident
ngayong taon.
Kumpara noong nakaraang taon na may tatlong biktima ng
paputok na karamihan at mga bata at dahil yan sa piccolo.
Sa Pamabansang talaan naman ng Kagawaran ng kalusugan mababa
ang naging bilang ng mga biktima ng paputok ngayon kung ikumpara sa nakalipas
na pagsalubong ng bagong taon.
Batay sa ulat ni Department of Heath (DOH) Sec. Janette
Garin, mula Disyembre 21, 2014 hanggang kaninang umaga ay umabot lamang sa 351
ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa buong bansa.
Mas mababa aniya ito ng 39 percent kung ikumpara sa
kahalintulad na period noong nakalipas na taon na umaabot ng 578 cases.
Ito aniya ito na ang pinakamababang record ng DOH sa
nakalipas na limang taon. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento