Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 biktima ng stray bullet sa SOCSKSARGEN –DOH 12

(North Cotabato/ January 2, 2015) ---Tatlo ang naiulat na biktima ng stray Bullet mula sa Cotabato City, North Cotabato at Saranggani Province.

Ito ayon kay Department Of Health Regional Director Dr. Teogenes Baluma na isa sa biktima nito ay isang tatlong taong gulang na bata na natamaan ng ligaw na bala sa kanyang kaliwang mata sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.

Ang bata ay residente ng Tukananes, Poblacion 7, Cotabato City.

Sa hiwalay na ulat ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO isa rin ang biktima ng stray bullet kasabay ng pagsabulong ng Bagong Taon sa lalawigan ng North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Saddam Dadugan Makakena na tinamaan ng bala sa kanyang kaliwang binti.

Sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa bayan ng Midsayap ang biktima na nasa maayos ng kondisyon.

Kapwa naman iniimbistigahan ng mga pulisya ang nasabing insidente kung ano ang baril na ginamit at kung saan mismo nagmula ang ligaw na bala.

Samantala, Kinumpirma naman ni Cotabato City PNP Director Rolen Balquin ang pamamaril sa isang miyembro ng 6ID Philippine Army na si PFC Racman pasado ala-6 na umaga kahapon.

Tinuturo namang suspek ang isang Lucas Kusain na matagal ng tinutugis ng mga pulis dahil sa kasong carnapping at murder sa lungsod. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento