(North Cotabato/ January 3, 2015)
---Inaasahang isasapinal na ang committee report kaugnay sa proposed Bangsamoro
Basic Law (BBL) sa Pebrero.
Ito ang pangako ng lider ng House of
Representatives matapos tanggalin ang
unconstitutional provisions sa nasabing panukalang batas.
Matapos na maisapinal agad na isusunod nila
ang deliberasyon sa unang linggo ng Marso para mapirmahan ito ng Pangulong
Aquino sa Marso 30.
Inihayag ito ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez,
chairman ng ad hoc committee na sa ngayon, nasa 34 public hearings na ang
isinagawa ng ad hoc panel, na kinabibilangan ng 75 mambabatas.
Ayon kay Rodriguez, may dalawa pang public
hearing sa Kamara sa Enero 19, bago harangin ng panel ang ilang executive
sessions para isapinal ang committee report na maisusumite sa plenaryo.
Sa panig naman ng Moro Islamic Liberation
Front (MILF) umaasa ang mga ito na matultukan na ang ilang dekadang kaguluhan
sa Mindanao sa pamamagitan ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB).
Ang final peace agreement ay pinirmahan sa
pamamagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ang Moro Islamic Liberation Front noong
Marso 27, 2014.
Sa pamamagitan ng framework agreement ay
nangako ang MILF na isusuko ang kanilang mga armas at ang Bangsamoro Islamic
Armed Forces (BIAF) kapalit ng pagtatag sa autonomous Bangsamoro.
Hangarin ng gobyerno na magkaroon ng maganda
at payapang pamumuhay ang mga taga-Mindanao na sapilitang pinipigilan ng
hidwaan ng mga parehong lahi.
Magkakaroon ng sariling halalan at aasahang
magkakaroon na ng transition sa 2016, at ang hangarin na magkaroon ng
functional ministerial Bangsamoro Government.
Sa pamamagitang ng agreement, magkakaroon ng
pantay-pantay na pamumuhay, edukasyon at gobyerno sa ilalim ng bubuuing
Bangsamoro Law. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento