(North Cotabato/ January 3, 2015) ---TUMAAS
ang bilang ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa taong 2014.
Ito ang kinumpirma ni AFP Public affairs
Chief Lt. Col. Harold Cabunoc.
Sinabi ni Cabunoc na base sa kanilang datos,
umabot sa 423 ang bilang ng mga ASG noong nakalipas na taon, kumpara sa 385 na
bilang noong 2013 at 398 na miyembro noong 2012.
Ayon kay Cabunoc, bagama't dumami ang bilang
ng ASG ay mas mahina naman ito kumpara sa mga nagdaang taon, at karamihan rito
ay nag-o-operate sa lalawigan ng Sulu.
Binigyang diin naman ni Cabunoc na ang
pagdukot o pagbihag parin ng ASG sa mga civilian o foreigner ang pangunahing
inaalala ng mga militar.
Ininanggi naman ng militar na walang bayaran
na nangyayari kapalit ng pagkakalaya ng mga bihag sa isinasagawang operasyon ng
kasundaluhan laban sa ASG.
Idinagdag pa ni Cabunoc na maliban sa ASG ay
naaresto rin ng mga militar ang ilan sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic
freedon fighters o BIFF na namamagitan sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng
Pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento