(Amas,
Kidapawan City/ November 26, 2012) ---Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman
ngayon ng isa sa mga preso na pinalaya sa pamamagitan ng Justice On Wheels sa
isinagawang pagdinig kaninang umaga kasabay ng inilunsad na Enhanced Justice On
Wheels na kauna-unahan sa probinsiya ng North Cotabato na isinagawa sa loob
mismo ng Bus, na may court room.
Ito ang
ibinunyag ni Ariel Suguilion, 32-anyos, residente ng Poblacion 8, Midsayap,
North Cotabato kungsaan nabilanggo siya ng siyam na taon, walong buwan at 16 na
araw matapos na maharap sa kasong frustrated murder.
Kaugnay
nito, sinabi ng detenado na maraming pagbabago sa kanyang buhay ng siya ay nasa
loob ng bilangguan, isa na dito ang pagbabalik niya loob sa Panginoon,
disiplina sa sarili at ang respeto sa mga empleyado at mga kasamahan niyang
bilanggo.
Kaugnay
nito, may payo siya sa mga kabataan na iwasan ang makalabag sa batas dahil
hindi biro ang mabilanggo at mahirap ang buhay sa loob ng presuhan.
Si
Suguilion ay isa sa 68 na mga detenado na pinalaya sa pamamagitan ng Justice on
Wheels ng Korte Suprema. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento