Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Justice on Wheels ng DOJ, gumulong na sa probinsiya sa North Cotabato; 79 na mga detainees sumailalim sa speedy hearing


(Amas, Kidapawan City/ November 26, 2012) ---Pormal ng umusad ngayong araw ang Enhanced Justice on Wheels sa probinsiya ng North Cotabato makaraang pormal itong inilunsad kaninang umaga sa Covered court ng Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang nasabing hakbang ay kauna-unahan sa probinsiya ng North Cotabato at Masaya ang gobernadora sa naging hakbang ng Regional Trial Court dahil na rin sa malaking tulong ito para sa congestion ng BJMP North Cotabato District Jail.

Naging pangunahing tagapagsalita sa launching ng Justice on Wheels and the Increasing Access to Justice by the Poor Program si Hon. Antonio Eugenio, Jr ang Deputy Court Administrator kungsaan ipinaliwanag nito na ang nasabing enhanced Justice on Wheels ay unang nabuo sa panahon ni dating Chief Justice Renato Puno.

Tinawag na enhanced Justice on Wheels dahil bukod sa Court hearing may mga mobile-annexed medication, information dissemination para sa mga brgy. Officials, Jail Visitation-Medical Services and Legal Aide, pakikipagdayalogo sa mga opisyal ng korte suprema at iba pa.

Samantala, sa panayam ng DXVL News kay Jail Chief Insp. Mary Chanette Espartero, 79 na mga detenado ang dininig ang kanilang kaso kaninang umaga sa loob ng dalawang bus na denisenyong korte suprema sa loob.

Nabatid na 68 dito ay makakalaya na habang ang isa sa kanila ay binabaan na ng sentensiya habang ang isa naman ay malilipat sa Malaybalay City Jail dahil may naka pending itong kaso ganun din sa iba pa nilang mga kasamahan na may mga naka binbin pang kaso. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento