(Magpet, North cotabato/November 28, 2012)
---Abot sa mahigit sa 50 mga residente ng isang brgy sa bayan ng Magpet, North
Cotabato ang nagsilikas matapos na madamay sa sagupaan ng rebeldeng grupo na
pinaniniwalaang New People’s Army o NPA ng ng military kahapon.
Sinabi ni Sr. Insp. Sunny Leoncito, hepe ng
Magpet PNP na nagsimula ang labanan alas 9:00 ng umaga kahapon sa Purok -6, Sitio Tanay in Barangay Doles, Magpet.
Ang nasabing palitan ng putok sa magkabilang panig ay tumagal
hanggang ala una ng hapon kahapon.
Karamihan sa mga bakwit ay mga bata at mga nanay kungsaan
pansamantalang nanunuluyan ngayon sa brgy hall ng brgy. Doles.
Ilang linggo bago ang nasabing labanan, ang mga sundalo mula 57thIB
ay dumating sa kabilang brgy ng Pangao-an, sa nasabing bayan kungsaan nagpatayo
ang mga ito ng kanilang tents malapit sa isang paaralan.
Naniniwala ang mga tribal liders sa lugar na ang presensiya ng
militar sa lugar ang nagpainit sa nasabing labanan.
Sa ngayon inatasan na ni Magpet Mayor Efren Pinol ang MSWDO Magpet
na mamigay na ngayong araw ng mga relief items para sa mga nadamay ng nasabing
labanan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento