(Amas,
Kidapawan City/ November 26, 2012) ---Nais ngayon ni Cotabato Police Provincial
Director S/Supt. Roque Alcantara na isasailalim sa isang pagsasanay ang mga
arresting police personnel hinggil sa kung papaanu ang tamang pag-preserba ng
mga ebedensiyang nahuli nila mula sa mga nagtutulak at gumagamit ng illegal na
droga, partikular na ang shabu.
Ito ang
naging reaksiyon ng opisyal matapos na marami sa mga kaso hinggil sa paglabag
sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang na dismiss dahil sa hindi
pagsunod sa chain of custody rule.
Karamihan
sa mga kasong ito ay mula sa sala ni Judge Laureano Alzate ng Regional Trial
Court Branch 22 Kabacan.
Ayon sa
hukom, napawalang sala nito ang mga akusado dahil sa kakulangan ng probable
cause particular na ditto ang hindi tamang pagsunod ng mga pulisya sa chain of
custody rule.
Kaya
pinayuhan ni Judge Alzate ang mga arresting officer na sumailalim sa isang
pagsasanay para hindi mababalewala ang kanilang operations.
Iginiit
naman ni Judge Lily Laguindanum na dapat, iisang arresting officer lamang ang
hahawak ng ebedensiya, mag-file ng kaso sa piskalya at mag-witness sa gagawing
hearing.
Bagama’t
kailangan ng presensiya ng brgy. opisyal at media sa pag-witness hindi naman
obligado ang mga ito na dumalo sa pagdinig maliban na lamang kung may subpoena
ang mga ito, giit pa ni Judge Alzate. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento