Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iba’t-ibang mga aktibidad para sa 60th Founding anniversary at 14th Panagyaman Festival ng Poblacion, Kabacan; nakahanda na


(Kabacan, North Cotabato/November 27, 2012) ---Puspusan na ang paghahanda ngayon ng pamunuan ng Brgy. Poblacion dito sa bayan ng Kabacan sa pagbubukas ng Brgy. Poblacion fiesta bukas.

Ito ayon kay Brgy. Kagawad Edna “Nanay’ Macaya sa panayam ng DXVL News ngayong hapon kung saan may mga nakahanda na silang programa para sa 60th Founding Anniversary ng Poblacion at 14th Panagyaman Festival 2012.

Pangungunahan ni ABC President at Poblacion Kapitan Herlo Guzman ang nsabing aktibidad kungsaan bubuksan ang programa sa pamamagitan ng Interfaith thanksgiving sa ganap na alas 6:00 ng umaga bukas.

Susundan ito ng Brgy. Assembly day alas 7:00 ng umaga at may gagawin namang libreng Diabetic Screening na sponsor ng Amarant lahat ay gagawin sa Kabacan Pilot Central Elementary School.

Alas 3:00 ng hapon bukas ay gagawin naman ang Search for Little Mutya ng Poblacion 2012.

Samantala sa November 29, araw ng Poblacion Kabacan ay deklaradong special day kungsaan magkakaroon ng Grand parade sa mga pangunahing kalye ng Poblacion alas 6:00 ng umaga agad itong susundan ng Drum and Lyre Folkdance competition habang sa hapon ay isasagawa ng Hiphop dance.

Magiging panauhing tagapagsalita naman sa nasabing fiesta program si Board member Ping-ping Tejada hinggil sa temang: “Tunay na pagkakaisa tungo sa Kapayapaam at Kaunlaran”.

Deklarado naman ni Mayor George Tan na “Special Day” ang araw ng Huwebes November 29, 2012 sa Poblacion, Kabacan. (Rhoderick Beñez/DXVL NEWS)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento