(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2012)
----Suportado ngayon ng iba’t-ibang sektor sa bayan ng Kabacan ang nilalaman ng
Framework Agreement na binalangkas ng GPH-MILF matapos itong lagdaan noong
buwan ng Oktubre.
Bagama’t may agam agam ang ilan sa nasabing
Formula ng Kapayapaan, pinawi naman ni MILF Central Committee Prof. Raby
Angkal, ang pangamba ng publiko hinggil sa nasabing usapin partikular na ang
mga taga-Mindanao.
Si Prof. Angkal, ang pangunahing
tagapagsalita sa nilalaman ng Bangsamoro Framwork Agreement sa isinagawang
programa ng Mindanao week of Peace na isinagawa kaninang umaga sa USM
Gymnasium.
Binigyang diin ng opisyal kung anu ang ibig
sabihin ng “Bangsamoro”.
Aniya, ang nasabing usapin ay kabilang sa
mga grievances at pakikibaka ng mga moro province sa Mindanao dahilan kung
bakit napag-kasunduan na tatawagin ang lahat ng mga netibo na “Bangsamoro”.
Bukod dito, sinabi din ng opisyal na ang isa
pang ibigsabihin ng Bangsamoro ay bibigyan ng teritoryo ang lahat ng Bangsamoro
People sa Mindanao dahil pasok ito sa grievances na usapin ng mga moro sa
Mindanao at bibigyan ng territory ang mga ito na tatawaging Bangsamoro
Territory.
Samantala inihayag din ni Angkal ang mga
lugar na sakop ng teritoryo ng Bangsamoro, ito ay ang Maguindanao Province,
Lanao del Sur, Tawi-tawi, Sulu at Basilan.
Dagdag pa dito, ang Marawi city, Cotabato
city at ng Isabela city.
Idinagdag pa dito ang anim na mga munisipyo
ng Lanao del Norte na nagwagi sa 2001
plebiscite na bumuto ng YES ng magkaroon ng expansion ang ARMM territory.
Kasama na rin dito sa tatawaging Bangsamoro
territory ang 36 na mga barangay na nasasakupan ng anim na bayan ng North
Cotabato, ito ang mga bayan ng Kabacan, Carmen, Aleosan, Pigcawayan, Pikit at Midsayap.
Ang framework agreement na ito ay umusbong
matapos ang apat na taon na mabigo ang MOA-AD.
Siyam na mga probisyon ang nilalaman ng
Bangsamoro Framework Agreement: Una na rito ang pagtatayo ng Bangsamoro;
Pangalawa, ang pagpapanday ng tinatawag na BASIC LAW; Pangatlo, ang tungkol sa
power sharing; pang-apat, revenue generation at wealth sharing; Panlima, ang
teritoryo o ang nasasakupin ng Bangsamorto; pang-anim, ang mga batayang
karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa Bangsamoro; pampito, ang transition
commission pangwalo, ang isyu sa normalization; at ang panghuli ang
miscellaneous na mga usapin.
Samantala, pinasalamatan din ng opisyal ang
liderato ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza sa suporta nito sa
nasabing Bangsamoro Framework Agreement.
Kaugnay nito, maging ang Presidente ng North
Cotabato Tourism Council at chairman ng Local Monitoring team of the province
of North Cotabato of the Peace process and MILF Jabib Guiabar ay pabor at
suportado rin ang frame work agreement, ito dahil sa napagkasunduan na ito
aniya ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front.
Maari din umanong mababasa ang nilalaman ng
Framework Agreement sa Internet at para sa opisyal dapat na ipaliwanag ito ng
maige ng mga taong may alam at wag ilihis ang taong bayan sa totoong nilalaman
nito.
Ang Mindanao Week of Peace ay binuksan
kanina sa pamamagitan ng isang Peace Parade 2012 mula sa Municipal Plaza
patungo sa National Highway papunta ng USM Avenue.
Dumalo rin sa nasabing programa kanina sina
board member Ping-ping Tejada, USMFA Pres. Dr. Anita Tacardon, Sister Teresa
Rose Salazar, NDKI Directress/K5 Animator, K5 Pres. Kagawad David Don Saure,
Councilor Jonathan Tabara, Councilor George Manuel, mga estudyante ng IMEAS,
Notre Dame of Kabacan, Liton Community Extension Center, mga guro at mag-aaral
ng Pilot Elementary School, University Laboratory School at marami pang iba.
Bukod dito may iba’t-ibang mga programa
namang nakahanda ang Kilusan tungo sa Kapayapaan Kalinisan at Kaunlaran ng
Kabacan hinggil sa Mindanao Week of Peace kagaya ng kapihan para sa Kapayapaan
@ NDKI sa Disyembre a-tres at iba pa.
Nakasentro ang aktibidad sa temang: “Love of
God, Love of Neighbor, challenge for Mindanao”. (Rhoderick Beñez/DXVL NEWS)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento