(Kabacan,
North Cotabato/ November 26, 2012) ---Iba’t-ibang sector at iba’t-ibang
organisasyon ang lalahok sa pagsisimula ng Mindanao week of Peace dito sa bayan
ng Kabacan.
Ayon kay
Coordinator ng Peace and Advocay at K5 President James Anton Molina sa panayam ng DXVL News
ngayong umaga, magsisimula ang aktibidad sa isang peace parade buhat sa
Municipal Plaza ng bayan ng Kabacan at ang programa ay gagawin ditto sa USM
gymnasium.
Ang
nasabing aktibidad ay inorganisa ng Notre Dame of Kabacan Community Extension
Services Office at ng Kilusan tungo sa Kapayapaan Kalinisan at Kaunlaran ng
Kabacan na may temang “Love of God, Love of Neighbor, challenge for Mindanao”.
Inaasahang
dadalo sa nasabing aktibidad mamaya si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino
Mendoza, habang magbibigay naman ng inspirational message si most reverend
Romulo dela Cruz, bishop of Diocese of Kidapawan at ang magiging keynote
speaker si Gadzali Jaafar, MILF vice chairman for political affairs na
magsasalita hinggil sa Bangsamoro Framework Agreement.(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento