Driver at conductor ng Weena Bus, patay; sa isang shooting at hostage incident sa Pigkawayan, Cotabato
Patay on the spot ang conductor ng Weena Bus kasama ang driver nito makaraang pagbabarilin ng isang hold-aper alas 7:00 kagabi sa may Brgy. Manuangan, Pigcawayan, Cotabato, 30 minuto bago makarating sa Lungsod ng Cotabato.
Kinilala ni Sr. Supt. Cornelio Salinas, ang Provincial Director ng North Cotabato PNP, ang driver na si Boboy Valdeviezo at ang conductor nito na nakilala sa pangalang Bael, tubong Bansalan, Davao Del Sur.
Habang kinilala naman ni Salinas ang suspek na si Melpo Dasmarinas Lavina, 46, residente ng Poblacion-3, Midsayap, Cotabato at dating brgy Tanod ng nabanggit na lugar. Nabatid na ang nasabing sasakyan ay last trip galing ng Davao City papunta ng Cotabato city.
Sa report sumakay umano sa Weena Bus Aircon Unit na may plate number MVV 364 sa Highway ng Midsayap ang suspek, subalit pag dating sa nabanggit na lugar ay nagdeklara ito ng hold-up. Nang marinig ng driver ang putok sa loob ng bus, agad nitong pinahinto ang sasakyan at sinubukang pahupain ang suspek subalit di ito nag paawat.
Pinatahimik ng suspek ang driver sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo na siyang ikinamatay ng biktima, kasama conductor nito., doon na at nahulog sa daan ang nasabing Bus.
Matapos ang shooting incident, hinostage pa ng suspek ang mga estudyanteng nakilalang sina Myra Myca at Apple Dequito Sinarimbo.
Subalit isa sa mga pasahero ng sasakyan ang agad na humingi ng tulong sa mga otoridad. Matapos ang ilang minute at dumating naman ang mga rumispondeng mga pulis na nagging dahilan naman ng pagsuko ng suspek at pagkaka-aresto nito.
Sinabi ngayong umaga ni PSSUPT Salinas na ang suspek ay nasa kustodiya na ng Pigcawayan PNP habang inihahanda na ngayong araw ang kasong kakaharapin nito.(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento