Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Personal na motibo ang naging dahilan ng pamamaril ng suspek sa conductor at  driver ng Weena Bus na nauwi sa pang-hohostage

Kung si SSUPT Cornelio Salinas, Provincial Police Director ng North Cotabato ang tatanungin, HINDI HOLDAP kundi personal ang motibo ng suspek na bumaril at pumatay sa driver at konduktor ng isang Weena bus unit sa Pigcawayan, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Pigcawayan PNP Chief police chief Insp. Donald Cabigas na dead on the spot ang driver na si Rogelio Baldavieso at konduktor nitong si Adam Ma-el matapos pagbabarilin ng suspek na nakilala namang si
Nelson Lavenia, 46 years old at taga Midsayap, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador, sumakay ang suspek mula sa Midsayap at pagsapit sa Brgy. Manuangan, Pigcawayan, Cotabato ay nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang konduktor na si Ma-el at ang suspek sa likurang bahagi ng bus.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ng putok ng baril ang mga pasahero ng bus. Itinigil ng driver na si Baldavieso ang pagpapatakbo sa bus at tinangkang agawin ang baril na hawak ni Lavenia ngunit maging siya ay binaril at napatay din.

Agad namang nagresponde ang mga otoridad matapos marinig ang sunod-sunod na putok ng baril at dahil na rin sa sumbong ng mga residente ng Barangay Manuwangan.

Gayunman, bukod sa baril at patalim ay armado rin ng granada ang suspek at hinostage ang labing isang pasahero ng naturang bus.

Nagbantang ang suspek na pasasabugin ang granada kung magpupumilit ang mga pulis na lumapit at hulihin siya. Gayunman, sa isinagawang negosasyon ay sumuko rin si Lavenia. Nabatid na matagal ng may galit si Lavenia kay Ma-el dahil pinahiya siya nito nang minsang sumakay siya nang walang pamasahe at nakiusap sa naturang konduktor.

Sa ngayon ay nakakulong na si Lavenia at nakatakdang sampahan ng kaukulang mga kaso. Samantala, ligtas naman ang iba pang mga pasahero na naging hostage ni Lavenia.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento