Mahigit kumulang sa 5 libung pamilya mula sa Kabacan maisasailalim sa Pantawid Pamilya o CCT program
Kabilang na ngayon sa makakatanggap ng benepisyong Conditional Cash Transfer o CCT ang bayan ng Kabacan na dating di kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na programa ng pamahalaang Nasyunal.
Ito ay naglalayong makabigay ng tulong pinansyal para sa edukasyon at kalusugan ng mga pamilyang nasa mahirap ang buhay o yung tinatawag na Extremely poor household.
Sa panayam kay Provincial Link ng Pantawid Pamilya Benilda Cortez, isa sa basihan upang maging myembro ng nasabing programa ay iyong pamilyang mayroong anak na 0 hanggang 14 na taon gulang at may buntis na ina.
Dagdag pa niya na mayroon ding nakatalagang kondisyonales sa mga beneficiaries nito gaya ng pag attend ng monthly meeting sa kinabibilangan na barangay, post prenatal care naman sa mga buntis preventive check-up gaya ng immunization sa 0-5 na taong gulang at family development session.
Inaasahan naman na magkakaroon ng Community Assembly sa darating na December 13-19 na kung saan magsisimula na ang family registration ng mga magiging benefiaries ng nasabing programa ditto sa bayan ng Kabacan.
Kabilang sa mga bayan na kasali ngayon sa set 5 ng DSWD ang Kabacan, Kidapawan city, Libungan, Midsayap at Makilala.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isa lamang sa sagot ng Philippine government para matugunan ang Millennium Development Goals o MDG’s.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento